MANILA – Nilinaw ng Supreme Court na buong electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos ang ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Pahayag ito ng Korte Suprema matapos i-anunsyo nitong araw na “unanimous” ang dismissal ng PET sa protesta ni Marcos.
“With regard to PET Case No. 005, the 15 members of the Presidential Electoral Tribunal unanimously dismissed the entire electoral protest,” ayon sa press briefer ng SC nitong alas-5:00 ng hapon.
Ayon sa SC, “lack of merit” ang naging basehan ng mga mahistrado sa pag-dismiss sa protesta ni Marcos laban sa nanalong Vice President Leni Robredo.
Sa isang press conference kanina, sinabi ni SC spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na pito sa mga miyembro ng PET ang may “fully concurred” na desisyon.
Habang walo ang may hatol na “concurred” sa resulta.
Bago maglabas ng paglilinaw ang Korte Suprema, sinabi pa ng legal counsel ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na tanging ang ikalawang cause of action lang ng kanilang panig ang ibinasura ng PET.
“Based on the official pronouncement made by the Presidential Electoral Tribunal today, the court unanimously voted to dismiss our second cause of action which is the manual recount and judicial revision,” ani Rodriguez sa isang statement.