-- Advertisements --
Sinibak na ni Kenyan President William Ruto ang halos lahat ng kaniyang gabinete.
Kasunod ito sa ilang linggong anti-government protest.
Sa kaniyang anunsiyo na tanging sina Deputy President Rigathi Gachagua at Prime Cabinet Secretary Musalia Mudavadi ang natira sa kanilang puwesto.
Sinabi nito na ang desisyon ay base sa reflection at hollistic appraisal ng gabinete.
Dagdag pa nito na sa mga nangyaring kilos protesta ay umaasa ang maraming mamamayan ng mabuting pamumuno.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta sa Kenya dahil sa panukalang batas na nagdadagdag ng buwis sa ilang mga bilihin.