-- Advertisements --
Bumaba sa kanilang puwesto ang buong gobyerno ng Russia matapos ang panawagan ng reporma ni President Vladimir Putin.
Sinabi ni Prime Minister Dmitry Medvedev na ito ang plano ni Putin na magpalit ng konstitusyon para mapatagal pa ang kaniyang pananatili sa puwesto.
Dagdag pa nito na ang nasabing plano ni Putin ay magdudulot ng pagbabago sa balance of power ng kanilang bansa.
Inalok pa aniya ni Putin si Medvedev na maging deputy head ng National Security Council.
Ang nasabing anunsiyo isinagawa apat na taon bago matapos ang ikaapat na termino ni Putin.