CAGAYAN DE ORO CITY – Agaw eskena ang isang buong pamilya na sabay nag-donate ng kanilang dugo sa taunang Dugong Bombo:A little pain..a life to gain project ng Bombo Radyo Philippines.
Ito ay matapos pinangunahan ni Clifford Roa na 54 times nang nakagbigay ng dugo sa loob ng 15 taon simula 2007 ang kanyang pamilya upang muling ipaabot ang suporta sa proyekto ng Bombo Radyo Philippines na isinagawa sa USTP gym ng Cagayan de Oro noong Sabado.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Roa na nagsimula ang kanyang adbokasiya noong mayroong kasamahan sa trabaho na naghahanap ng makunan ng dugo para miyembro ng pamilya nito kaya nagbuksan ang pintuan na kada-taon na niya ito gagawin.
Kalaunan ay nagsuporta na rin ang kanyang maybahay na 19 beses na rin na nagbigay ng dugo at ang anak lalaki nila na 4th time na successful blood donors.
Magugunitang sa sobra libo na tumugon sa taunang pagsagawa ng proyekto sa Hilaganang Mindanao, nasa 625 donors ang tagumpay na nakunan ng dugo at kabilang na rito ang pamilya Roa nakabase nitong syudad.