Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim na ng ‘La Niña alert status’ ang buong Pilipinas.
Natukoy ng NDRRMC na mayroon nang 66% ng pagkakabuo ng La Nina sa bansa sa panahong sasaklawin ng September-October-November 2024.
Dahil dito ay inihahanda na ng mga member-agencies ang mga akmang tugon sa epketo nito sa kabuhayan, mga ari-arian, public infrastructure, at iba pa.
Ayon sa konseho, kaakibat ng La Niña ay ang mahaba-habang mga pag-ulan, mga malalakas na bagyo, at monsoon rains, atbpang kahalintulad na abnormalidad sa panahon.
Ang La Niña ay isang abnormalidad sa panahon kung saan nagkakaroon ng mahaba-habang pag-ulan at maiikling tag-araw.
Sa ilalim nito ay mas mataas ang asahang babagsak na tubig-ulan kumpara sa normal na mga pag-ulan sa bansa. Kadalasan ding lumalamig ang temperatura at sinasabayan ng malamig na hangin.