-- Advertisements --

Plano ngayon ng Luxembourg na isailalim sa coronavirus testing ang lahat ng kanilang mga mamamayan.

Sa mahigit na 600,000 na populasyon ng bansa ay nasa 39,000 mahigit lamang ang natapos ng suriin.

Mayroon ding 3,729 na kaso ang naitala kung saan 88 katao ang nasawi.

Ayon kay Ministry of Research and Higher Education Claude Meisch na maaaring abutin ng isang buwan bago matapos na maisailalim sa pagsusuri ang buong populasyon.

Inimbitahan na rin nila ang mga guro at mag-aaral na magpasuri sa 17 testing stations bago ang gagawing paghahanda sa pagbubukas ng paaralan sa susunod na linggo.