-- Advertisements --

Sinuspinde ng probinsya ng Abra ang klase sa buong probinsya ngayong araw dahil sa labis na mainit na panahon.

Sa ilalim ng inilabas na Advisory No. 1, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kinansela ngayong araw ang klase sa lahat ng lebel, kapwa sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa probinsya.

Una kasing naitala ng state weather bureau ang arawang pagtaas ng heat index sa buong probinsya mula 33 °C hanggang 38°C.

Kasunod nito, inaatasan naman ang lahat ng mga eskwelahan na lumipat sa online modalities at iba pang alternative learning means sa mga susunod na school days.

Muli ring pina-alalahanan ng PDRRMC ang mga mag-aaral at mga residente na sundin ang mga safety tips upang maiwasan ang mga health problem na dulot ng mainit na panahon.