Kumpiyansa ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict na malapit nang mag pulbos ang lahat ng miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa buong bansa.
Batay sa datos na inilabas ng ahensya, aabot na lamang sa mahigit isang libo ang nalalabing pwersa ng naturang rebeldeng grupo.
Kinumpirma ito mismo ni (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ginawang pulong balitaan ng NTF-ELCAC kahapon.
Ginawa ni Torres ang pahayag sa kabila ng mga ipinakakalat na disimpormasyon ng mga mga komunista na sila ay malakas pa.
Malaking kawalan rin umano sa mga ito ang matagumpay na pagkaka nutralisa ng mahigit 400 miyembro at supporter ng mga ito mula sa mga ikinasang operasyon noong Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.