-- Advertisements --

Inirekomenda ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na ilagay sa red alert status ang buong Zamboanga Peninsula.

Ito ay kasunod umano ng report na natanggap ng mayora na syang tumatayong chairman ng Regional Peace and Order Council hinggil banta ng seguridad sa buong rehiyon mula sa mga nakatakas na suicide bombers sa Jolo.

Nanawagan rin ito sa mga otoridad na manatiling nakalerto at paigtingin ang pagpapatupad ng security protocols upang mapigilan ang anumang banta ng terorismo sa lugar.

Hinikayat rin ng opisyal ang publiko na magdoble ingat.

Ang panawagan ng mayora ay kasunod na rin sa nangyaring twin sa bombing sa Jolo, Sulu nitong Lunes na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat naman ng 80 iba pa.