-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagsilabasan ang ilang residente sa kani-kanilang mga bahay matapos ang naranasang malakas na lindol sa iba’t ibang bahagi ng Leyte.

Naitala ang 5.3 magnitude na lindol sa bayan ng Burauen, Leyte.

Una munang naitala ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) ang lindol sa magnitude 5.0 bago nila ito itaas sa magnitude 5.3

Sa ngayon ay mahigit 40 aftershocks na ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan pinakamalakas ang 4.1 magnitude sa bahagi ng Homonhon island, Guiuan, Eastern Samar.

May ilang kabahayan naman sa Burauen ang nagkaroon ng pinsala dahil sa malakas na lindol.

Sa ngayon ay patuloy ang assessment at monitoring ng mga otoridad dahil sa patuloy na aftershocks na nararamdaman.