-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Balak ngayon ng Bureau of Animal Industry – Veterinary Quarantine Service sa lalawigan ng Aklan na makipagpulong sa mga resort at hotel owners sa isla ng Boracay upang ibawal muna ang pagbibigay ng pagkain sa mga baboy na nakokolekta mula sa mga tirang pagkain ng establisyemento.

Ito ay kasunod sa pagkumpirma noong Lunes ng Department of Agriculture (DA) na 14 sa 20 sample ng dugo ng baboy na sinuri ay nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dr. Christine Lynn Melgarejo, veterinarian-quarantine officer ng Bureau of Animal Industry na layunin nitong maiwasan na makapasok sa Aklan ang ASF.

Mahigpit aniya ang pagbabantay ng binuong Local ASF Task Force-Aklan sa implementasyon ng one entry, exit policy sa isla.

Kung gaanu umano kahigpit ang pagbantay sa Kalibo International Airport ay ganun din ang ipinapatupad sa Caticlan jetty port.