-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng Bureau of Animal Industry na hindi makakapasok sa bansa ang mga exotic animals na pinaniniwalaang pinanggalingan ng Novel Coronavirus.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. John Roel Hilario, Regional Veterinary Quarantine Office VI ng Bureau of Animal Industry Region 6 sinabi nito na nanggaling ang Coronavirus sa mga exotic na hayop katulad ng civet cats, paniki, ahas at marami pang iba.

Ayon kay Hilario, nagpatupad na sila ng regulasyon sa pagpasok ng mga hayop domestically at internationally.

Ani Hilario, tinututukan nila ang pag import ng hayop lalo na ang mga exotic na posibleng magdala ng nasabing Virus.

Dagdag pa ni Hilario, responsibilidad na ng Local Government ang mga hayop na ibinebenta sa mga pamilihan at responsibilidad naman ng National Meat Inspection Service na siguraduhin na safe ang mga karne na kinukunsumo ng publiko.