-- Advertisements --

Magpapakalat ang Bureau of Corrections (BOC) ng K-9 dogs sa New Bilibid Prison bilang bahagi ng hakbang nito na pagpapaigting sa laban kontra sa mga pagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng national penitentiary.

Ito ay kasunod na rin ng pagkakakumpiska sa 70,000 cans ng beer at iba pang smuggled na kontrabando sa loob ng bilibid nito lamang nakalipas na araw.

Ang mga police dogs kasi ay may kakayahang maamoy hindi lamang mga iligal na droga kundi maging ang mga mobile phones at electronic devices. Liban pa sa K-9 magddeploy din ang ahensiya ng Bomb-sniffing dogs.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng BuCor sa 55 sa kanilang personnel na nakatalaga sa Bilibid na pinangalanan ng inmates kaugnay sa insidente.