-- Advertisements --
image 325

Nanguna ang Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Chinese Embassy.

Ang naturang meeting ay ginanap sa conference room ng NAIA sa Pasay City.

Personal na dumalo ang head of consulate na si Wang Minhao at Consul Cao Kaiwen bilang kinatawan ng Chinese Embassy.

Dumalo rin ang mga Ports Official sa pangunguna ni District Collector Carmelita Talusan.

Sumentro ang pagtitipon sa pagpapalakas ng collaboration sa pagitan ng dalawang ahensya upang mapabilis ang air cargo shipments para sa mga Chinese travelers.

Nag-alok rin ng translator device ang head of consulate na si Minhao upang matugunan ang language barriers sa mga Chinese travelers.

Sinabi pa ng pamunuan ng Bureau of Customs na patuloy nilang pagagandahin ang serbisyo ng kanilang ahensya alinsunod na rin si direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.