-- Advertisements --
BOC

Inanunsyo ng Bureau of Customs na nahigitan nila ang target na revenue collection ng ahensya para sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Ang naturang target revenue ay una nang itinakda ng Development Budget Coordination Committee.

Sa datos ng ahensya, tinatayang umabot na sa P75.642 billion ang nakolekta ng ahensya.

Lagpas ito sa target na P72.265 billion pesos o katumbas ng 4.7% na pagtaas.

Iniulat rin ng ahensya na simula Enero hanggang buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan, may kabuuang koleksyon ang BOC na P582.133 billion pesos na kita.

Mas malaki ito kung ikukumpara sa koleksyon noong nakaraang taon na umabot lamang sa P558.455 billion.