Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) kaugnay sa mga modus operandi sa pamamagitan ng pagpapadala at pagproseso ng mga balikbayan boxes.
Ipinaalala ng BOC sa mga kababayan na nasa abroad na nagbabalak na magpadala ng balikbayan boxes sa kanilang mga mahgal sa buhay dito sa Pilipinas.
Ayon sa BOC dapat maging maingat ang mga OFW sa modus ng mga freight forwarder lalo na at nalalapit ang kapaskuhan at bubuhos ang mga pangregalo at padala.
Kabilang daw sa napag-alaman ng BOC ay ang paghingi ng mura lamang na bayad sa pagproseso at paghahatid sa padala pero lumabas na wala palang kapartnetr ang mga ito sa pilipinas na mga local freight forwarder.
Tiniyak naman ng Customs mga kababayan na meron silang maayos na kumunikasyon sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) upang matiyak na makakarating sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang ipinapadalang mga parcels.