Nasabat ng Bureau of Customs- Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa isang Koreanong pasahero mula sa Incheon International Airport ang dala nitong hindi deklaradong foreign currency.
Naitala na umabot sa halagang US$167,300 o humigit-kumulang P9.196-milyon ang dala ng nasabing Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Samantala, bago isagawa ang pisikal na pagsusuri, hiniling sa mga pasahero na isumite ang kanilang Customs Baggage Declaration form at tinanong kung mayroon silang anumang bagay na hindi idineklara, na siyang itinanggi naman ng naturang Korean national
Sa ngayon nasa kustodiya na ng legal at investigation staff, Customs Police – NAIA ang banyaga para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaso ang naturang korean national.