Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) Cebu-Subport Mactan ang hindi bababa sa P1.5 milyong halaga ng hindi idineklara na kargamento ng mga peligrosong kemikal sakay ng barko mula sa South Korea.
Sinabi ng BOC Cebu-Subport Mactan sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes, Oktubre 8, na nagsagawa ng pisikal na inspeksyon ang mga tauhan ng customs sa barko nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).
Natuklasan ng Boarding Team ang kabuuang 8,485 litro ng mga peligrosong kemikal na binubuo ng Hydrochloric Acid, Potassium Hydroxide, at Sodium Hypochlorite Solution, na lahat ay hindi sakop ng manifest ng barko o listahan ng mga tindahan.
Sa impormasyong iyon, agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Charlito Martin Mendoza laban sa mga hindi idineklara na kargamento matapos mahanap ang probable cause para sa paglabag sa Sections 1113 (g), (f), at (l-5) sa Customs Modernization and Tariff Act.
Nabatid na sasailalim sa forfeiture proceedings ang mga nakompiskang kemikal at itatapon bilang pagsunod sa environmental protocols at kasalukuyang customs rules and regulations.
Nabatid na sasailalim sa forfeiture proceedings ang mga nakompiskang kemikal at itatapon bilang pagsunod sa environmental protocols at kasalukuyang customs rules and regulations.