Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target nitong revenue para sa buwan ng Mayo, 2024.
Batay sa report ng ahensiya, lumagpas ang koleksyon nito ng hanggang 2.687%.
Nagawa ng BOC na makakolekta ng P81.753 billion na revenue sa buong Mayo. Ang naturang koleksyon ay mas mataas ng P2.132 billion kumpara sa target nitong P79.621 billion.
Ang naturang halaga ay mas mataas din kumpara sa nakolekta nitong noong Mayo ng nakalipas na taon na umabot lamang sa P77.926 billion.
Hanggang nitong buwan ng Mayo, nagawa na ng BOC na makakolekta ng hanggang P381.347 billion, mas mataas ito ng 6.13% kumpara sa target collection na P366.047 billion.
Itinuro naman ng ahensiya ang mahigpit na monitoring sa mga imported commodities para matiyak ang akma at maayos na tax collection.
Ayon kay Customs commissioner Bienvenido Rubio, tuloy-tuloy ang commitment ng ahensya na makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng maayos at tapat na revenue collection.