-- Advertisements --
Inihayag ng Bureau of Customs na nasabat ng kanilang tanggapan ng BOC-Port of Batangas ang isang marine vessel dahil sa umano’y pagpuslit ng produkong asukal.
Ayon sa naturang ahensya, ang sasakyang pandagat na MV Sunward ay natagpuan ng mga operatiba ng Bureau of Customs na may dalang 4,000 metric tons ng Thailand white refined sugar.
Dagdag dito, walang iniharap na notice of arrival nang dumating ang barko sa contiguous zone ng Pilipinas.
Gayundin, isiniwalat din ng Bureau of Customs na walang import permit para sa asukal na nakaimpake sa 80,000 bags na nakapasok ng ating bansa.