Naglabas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng shellfish ban sa walong lugar sa bansa dahil sa red tide.
Sinabi ng bureau na ang paralytic shellfish poison sa mga lugar na iyon ay “lagpas sa limitasyon ng regulasyon.”
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) information chief Nazario Briguera na ang mga sumusunod na coastal waters ay natagpuang positibo sa paralytic shellfish poisoning.
Kung kaya ang mga tahong at maliliit na hipon ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao sa panahong ito.
– coastal waters sa Milagros ng Masbate
– coastal waters ng Panay
– coastal waters ng President Roxas at Pilar sa Capiz
– coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City ng Bohol
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Lianga Bay sa Surigao del Sur
Nilinaw naman ng kagawaran na ligtas pa rin namang kainin ang mga isda gaya ng galunggong, pusit, hipon, at alimasag na nakukuha o nahuhuli sa mga binanggit na lugar.
Tiyakin lamang na ang mga ito ay sariwa, nilinis nang maayos, at tinanggalan ng lamang-loob bago lutuin.
Ang toxic red tide ay isang natural na pangyayari, sabi ng opisyal, at ito ay maaari lamang na masubaybayan nang regular upang maabisuhan ang publiko.