Ikinatuwa ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang ulat na gumagana ang pagsisikap ng pamahalaan upang masawata ang Human Trafficking sa bansa.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na maiulat sa isinagawang pagdinig sa senado ng Committee on Women, Children , and Gender relations na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros na kakauti na lang ang bilang ng mga Pinoy na gustong magpa repatriate .
Sa nasabing pagdinig,sinabi Department of Foreign Affairs UnderSecretary For Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na patuloy na bumababa ang bilang ng na rerepatraite kung ikukumpara noong mga nakalipas na buwan.
Ani Vega, maliit na bilang na lamang ang mga Pinoy na nag-aabroad at naloloko at umaasa ang opisyal na patuloy nilang huwag paniwalaan ang alinmang offer online na sa tingin nila ay hindi makatotohanan.
Dahil dito, naniniwala si Tansingco na ipinahihiwatig lambg nito na ang pagsisikap ng Bureau of Immigration at iba pang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ay hindi nawawalan ng kabuluhan.