Inaresto ng Bureau of Immigration officials ang isang Chinese National matapos itong magpakita ng Philippine Passport habang nag tatangkang lumipad patungong Caticlan international airport.
Sa isang pahayag mula sa BI noong sabado ay nakuha nila sa poder ni Zhou Jintao ang isang pasaporte na nakapangalan kay Jensen Tan.
Kabilang rin sa mga nakuha sa kanyang mga gamit ay ang Identification papers, Philippine PWD ID, NBI Clearance at isang birth certificate na nagsasabing ito ay ipinanganak sa Davao del Sur ng isang Pinay na ina at ang kanyang ama naman ay isang Chino.
Habang sumasailalim sa interview ay hindi nakakapag salita ng tagalog si Zhou at kalaunan ay umamin ito na siya ay isang Chinese citizen.
Batay sa database ng Bureau of Immigration, huling dumating si Zhou sa bansa noong Hunyo 30,2019
Si Zhou ay nakatakdang itinurn-over sa warden facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang isinasaayos ang deportasyon nito.