-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Labis na ikinababahala sa ngayon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang paggamit umano ng mga overstaying aliens o mga banyaga ng illegally-acquired Philippine passports.

Sa isang statement, sinabi ni Tansingco na ito ay kasunod na rin ng pagkakaharang ng isang Chinese national na si Zhang Hailin, 36-anyos na nagprisinta ng Philippine passport na may pangalang Alex Garcia Tiu.

Tinangka raw ni Zhang sumakay ng eroplanong patulong Hanoi, Vietnam nang harangin ng immigration officers na nagduda sa kanyang identity.

Maliban sa kanyang Philippine passport, nakapagprisinta naman daw si Zhang ng genuine na birth certificate.

Lumalabas na peke ang nabili nitong pasaporte dahil na rin sa pekeng immigration stamps na.

Kalaunan ay inamin naman daw ng banyaga ang kanyang totoong nationality at dito nadiskubreng overstaying na pala ito dito sa Pilipinas noon pang 2020.

Naharang din umano ng Immigration officers nito lamang Pebrero ang isang babaeng Vietnamese national na kinilalang si Huynh Thanh Tuyen, 24.

Nagprisinta rin umano si Huynh ng fraudulently-acquired Philippine passport na may pangalang Maria Dantic Menor.

Tutulak sana ang naturang banyaga patungong Saigon, Vietnam.

Nang isalang naman sa secondary inspection, inamin din ni Huynh na nakakuha lamang ito ng Philippine passport sa tulong ng kanyang kaibigang Vietnamese.

Kung maalala, nitong taon lamang naharang din ng Bureau of Immigration ang dalawa pang banyagang sangkot din sa parehong isyu.