-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipino laban sa pagtanggap ng mga alok ng trabaho mula sa mga social media application dahil maaaring ito ay ang mga ginamit na sindikato sa cryptocurrency scam.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Immigration na ito ay kung paano naakit ang 8 Pilipinong biktima na tumanggap ng mga alok na trabaho mula sa isang online scam.

Ayon sa kawanihan, tatlo sa mga biktima ay pinalabas ng bansa mula sa Zamboanga na kung saan naglakbay sila ng 7 araw sa Brunei, Jakarta, at Thailand bago makarating sa Cambodia.

Ang tatlo pa ay umalis sa pamamagitan sa Clark, habang ang dalawa ay lumipad naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dagdag dito, ang mga biktima ay pinangakuan din ng suweldo na hanggang $1000 o P55,400 bawat buwan, at pinilit na magtrabaho ng 16-18 oras sa isang araw nang walang pahinga.

Iginiit ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na dapat magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno para tugunan ang ugat ng human trafficking.