-- Advertisements --

Nalaman na ng Bureau of Immigration (BI) ang pangalan na ginamit ni self-confessed at dating Davao Death Squad hitman Edgar Matobato para makalabas sa bansa.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, na kanilang natukoy ang modus na ginawa ni Matobato.

Ang nasabing mga nakalap nilang impormasyon ay kanilang ipinasakamay na sa mga otoridad.

Maguguniting noong Enero 5 ng napaulat na nakalabas na ng bansa si Matobato matapos ang ilang buwan nitong pagdawit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga patayang kinasasangkutan nito.

Inilabas na ulat ng isang international na pahayagan na nagpalit ng pangalan si Matobato kung saan inilagay din ito sa kaniyang job description bilang hardinero.

Hindi aniya ito agad nakilala ng mga immigration officers kaya mabilis na tinatakan ang kaniyang pasaporte.

Patungong Dubai ang flight nito subalit hindi na binanggit kung saan ito magtutungo.