-- Advertisements --

Target ng Bureau of Immigration (BI) na mai-deport o mapabalik sa kanilang bansa ang natitirang 345 Chinese nationals na dating nagtratrabaho sa iligal na Philippine offshore gaming operator (POGO) companies sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval , nasa 27 mula sa 372 Chinese POGO workers ang napa-deport na ng bureau. Ang unang batch ay ang anim na Chinese na nadeport noong Oktubre 19 at ang ikalawang batch naman ang 21 pang Chinese na nadeport naman noong araw lamang ng Miyerkules. Ang mga ito ay pinabalik sa Wuhan, China.

Saad pa ng BI official na wala pang schedule para sa susunod na batch ng deportees.

Ipinaliwanag naman ni Sandoval kung bakit by batch ang pagpapadeport sa mga chinese POGO workers.

Aniya, maigting silang nakikipag-ugnayan sa Chinese embassy na siyang responsable sa pag-isyu ng travel documents ng kanilang mga mamamayan.

Ibig sabihin, ang Bureau lamang ang nagproproseso ng deportation sa oras na available na ang travel documents ng mga deportees.

Nilinaw din ng opisyal na nasa kabuuang 372 Chinese lamang ang idedeport habang nasa halos 49,000 iba pang Chiese ang naman ang naatasang lisanin ang bansa sa loob ng 60 araw sa pamamagitan ng visa cancellation procedure upang hindi sagutin ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang deportation.

Ayon pa kay Sandoval naisyuhan na ng orders ang mahigit 1,000 chinese nationals. Sakaling tumanggi ang mga ito na lisanin ang bansa magsasagawa ang bureau ng deportation proceedings laban sa mga ito.

Nag-ugat ang deportation sa mga Chinese POGO workers matapos na ipasara ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ang ilang kompaniya ng POGO na iligal na nag-ooperate sa bansa