-- Advertisements --
image 38

Papalitan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang “Ask for Receipt” notice ng “Notice to Issue Receipt/Invoice” (NIRI) sa bawat retail outlet at iba pang establisyimento sa buong bansa simula sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na ang pagpapaskil ng decal ay dapat gawin sa mga nakikitang lugar ng mga business establishments.

Ipinag-uutos din na makuha ang tax notice ay ang mga online na merchant, vlogger, social media influencer at online content operator na kumikita mula sa platform at advertising.

Sinabi ni Revenue Commissioner Lilia Catris Guillermo na ang umiiral na decal ay magiging valid lamang hanggang Hunyo 30, 2023.

Dagdag pa niya na ang “Notice to Issue Receipt/Invoice” (NIRI) ay ilalabas sa mga may-ari ng tindahan kapag na-update ang kanilang registration information sheet.