-- Advertisements --
image 142

Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi titigil ang ahensiya sa paghahabol sa lahat ng klase ng negosyante ukol sa pagbayad ng tamang buwis.

Sinabi ni BIR deputy commissioner Marissa Cabreros, mahigpit ang kanilang kampaniya sa mga influencer, vlogger, at online sellers na magpa-register sa kanila.

Hindi umano titigil ang kagawaran sa paghahanap ng impormasyon sa income ng mga ito.

Kung hindi nakadeklara, hindi umano pwede na hindi masulatan ang mga ito.

Dagdag pa ng opisyal na madami na ang nagparehistro sa BIR na influencers at vloggers.

Paliwanag niya, iba ang obligasyon ng pagrerehistro sa pagbabayad ng buwis.

Nasa radar na ng BIR ang mga visible sa social media.

Ang palugit na binigay ng BIR last year, kahit late mag register, hindi umano sila nag-impose ng penalty.

Paalala ni Cabreros, na nakasaad sa Tax Code na kung kelan kumita at may kinita, kailangan nakapagreport at nagbayad ng buwis ang mga dapat magbayad.