-- Advertisements --
image 21

Malaki umanong tulong para sa mga persons deprived of liberty (PDLS) kung bibili ang ating mga kababayan ng mga parol na gawa nila.

Kaya naman todo ang paghikayat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa publiko na tangkilikin ang mga ibinibentang parol o christmas lanterns ng mga nakadetineng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sinabi ni BJMP chief Jail Director Allan Iral, ang paglikha ng mga parol ng PDLs ay bahagi ng livelihood projects para masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Agosto pa lamang, may ilang district jail na ang nagsimulang gumawa ng mga parol gaya sa Negros Occidental District Jail – Male Dormitory.

Mga makukulay na parol naman na gawa sa papel at kawayan ang likha ng mga PDL sa San Juan City Jail habang naghahanda na rin ng bultuhang produksyon ng custom-built lanterns ang mga PDL sa Pateros Municipal Jail.

Nakadepende naman sa laki ng PDL-crafted lanterns ang presyo nito.

Para sa mga nais bumili ng parol sa PDLs, maaaring magpadala ng mensahe sa mga Facebook pages ng BJMP.