Aabot sa halos 11,000 na telemarketer at executive assistant job vacancies ang maaaring aplayan ng mga intersadong aplikante ayon sa Bureau of Local Employment.
Ayon sa ahensya, nangunguna ang mga trabahong ito batay sa kanilang isinagawang pagsasaliksik.
May kabuuang 5,661 na bakante para sa mga telemarketer ang nakarehistro sa Bureau of Local Employment , na sinusundan ng demand para sa 5,300 executive assistant.
Mayroon ding 3,698 na bakanteng trabaho para sa mga call center agents.
Paliwanag ng ahensya na in demand din ang mga production workers na may 3,392 na vacancies
Pasok rin sa in demand na trabaho ay ang customer service na may 974 na bakante.
Sinabi rin ng naturang ahensya na ang datos ay batay sa Public Employment Service Office (PESO) Employment Information System (PEIS) .
Nagsisilbi rin ito bilang mapagkukunan ng impormasyon ng Bureau of Local Employment ang government-run job matching portal na PhilJobNet.