Tinitingnan ng Bureau of Treasury (BTr) ang posibilidad na kikita ng hanggang sa P150billion sa susunod na buwan sa pamamagitan ng regular na pag-issue ng treasury bills at treasury bonds.
Ang naturang target ay mas mababa ng P30billion kumpara sa p180 billion na programmed borrowings mula sa local market ngayong Setyembre dahil na rin sa naunang desiston ng treasury bureau na hindi muna mag-issue ng treasury bond sa unang linggo ng Oktubre.
Batay sa inilabas na memorandum ng BTr, inaasahang kikita ng P60billion ang pamahalaan sa pamamagitan ng treasury bills at P90 billion naman sa pamamagitan ng treasury bonds.
Sa susunod na buwan, nakatakdang ipa-auction ng BTr ang hanggang P15billion na halaga ng treasury bills .
Habang ang 91-day, 182-day and 364-day treasury bills ay nakatakdang ipa-auction sa kada araw ng Lunes, pagsapit ng Oktubre.
Maliban dito, nakatakda ring mag-auction ang BTr ng mga treasury bills sa araw ng Martes, pagsapit ng 2nd at 4th week ng Oktubre.