-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of the Treasury na nakalikom sila ng aabot sa P30 bilyon sa pinakahuling round ng T-bond issuance.

Ayon sa ahensya na ganap nitong iginawad ang three-year bonds na may natitirang termino na dalawang taon at 11 buwan.

Ang mga bonds ay nakakuha ng average coupon na 6.007 %, malawak na naaayon sa umiiral na secondary market 3-year benchmark na 6.011 %.

Sa naturang auction ay nakakuha ito ng P62.4 bilyon sa mga offers, kaya ang sales ay pumalo sa 2.1 times oversubscribed.

Sinabi ng ahensya , na iminungkahi ang full program na P30.0 billion , na nagresulta naman sa kabuuang natitirang volume para sa series sa P60.0 billion