-- Advertisements --
image 91

Ibinahagi ng ama ng yumaong singer na si Jovit Baldivino na bukas sa publiko ang burol ng kaniyang anak sa kanilang tahanan sa Batangas.

Ayon sa ama ni Jovit na si Hilario Baldivino, bukas 24 oras ang kanilang tahanan para sa lahat kabilang na ang mga kaibigan at fans ni Jovit na nais masilayan at magbigay pugay sa huling sandali sa namayapang singer.

Bumuhos ang mga malalapit na kaibigan at miyembro ng pamilya ng pumanaw na singer sa unang gabi ng burol.

Ibinahagi naman ng partner ni Jovit na si Camille Ann Miguel na huling nag-perform si Jovit sa isang christmas party bilang pabor sa matalik nitong kaibigan.

Nakiusap naman ito sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon at pinabulaanan na hindi siya nag-collapse habang kumakanta.

Ayon pa sa partner ni Jovit na nagperform ang singer ng tatlong kanta bago ito isugod sa emergency room.

Inaasahan naman ng mahal sa buhay ni Jovit na bubuhos pa ang mga kaibigan at pamilya nito para makiramay sa pagpanaw ng singer nitong weekend.

Sa ngayon, inaayos pa ng pamilya ang magiging arrangement para sa libing ng labi ni Jovit.