-- Advertisements --
image 637

Binuksan na sa publiko ang burol ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando sa Marikina Riverbanks Center.

Ang naturang burol ay patuloy na binibisita ng mga malalapit na kaibigan, kamag-anak at pamilya ng yumaong opisyal ng gobyerno.

Puno ng mga bulaklak ang chapel kung saan nakalagak ang mga labi nito.

Kung maaalala, batay sa report, nagkukumpuni lamang si Fernando ng kanilang bubongan ng aksidente itong mahulog mula sa kanilang rito .

Dahilan ito upang pumanaw sa edad na 77 ang dating kalihim ng MMDA, dating Mayor ng Marikina at dating Mambabatas.

Naging Mayor ng Marikina si Fernando simula 1992 hanggang taong 2001.

Naupo siya bilang chairman ng MMDA mula 2002- 2009 at naging mambabatas ng Marikina 1st District mula 2016 hanggang 2022.