-- Advertisements --

Hindi bababa sa 31 katao ang nasawi sa isang asksidente ng pampasaherong bus sa Bolivia at nag-iwan ng higit sa 12 sugatan, ayon sa mga local authorities.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng nawalan ng kontrol ang driver ng bus, na nagresulta sa pagbagsak nito ng halos 800 meter mula sa isang bangin sa parte ng southwestern municipality ng Yocalla.

Ang aksidente ay nangyari sa isang makitid na kalsada na puno ng matatarik na kurbada at paliko-likong kalsada.

Ayon sa pulisya na tinukoy ang pagkakakilalan ng mga nasawi na 10 dito ay matatanda at 4 na bata ang naospital, at ilan sa kanila ay nasa malubhang kalagayan.

Napagalaman ng mga awtoridad, ang matarik na daan at ang bilis ng takbo ng bus ay posibleng naging dahilan ng trahedya. Patuloy naman ang mga operasyon ng mga rescuers habang patuloy ang ginagawang pagsusuri sa sanhi ng aksidente.