-- Advertisements --

Labis ang pagisisi ng bus driver na nakasagasa ng isang babae sa kahabaan ng EDSA Bus Lane.

Ang driver na nasa kustodiya na ng PNP ay naaresto matapos ang pagkasagasa nito sa tumatawid ng biktima sa kahabaan ng Cubao, Quezon City.

Dagdag pa nito na hindi gaanong matrapik na lugar at natakpan ng ibang sasakyan ang babae kaya nagulat ito ng makita sa harapan nito ang biktima.

Giit nito na naging mabagal lamang ang patakbo niya sa bus kaya pinabulaan ang alegasyon na mabilis ito.