-- Advertisements --
EDSA BUS CAROUSEL

Mayroong kabuoang 10,300 na available slots o bakanteng trabaho para sa mga bus drivers dito lamang yan sa Metro Manila yan ayon pa lamang sa accredited na Transport Network Companies ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang kakulangan sa mga bus drivers umano ay isa sa problema ng mga operators simula noong magkaroon ng pandemya.

Ayon sa ilang operators, kahit umano mayroon ng mga paskil at announcements ay hirap parin na makahanap ng bus drivers.

Yung iba raw ay napupunta sa tracking dahil mas malaki ang kita doon.

Maging ang mga provincial operators ay nagkukulang na rin daw sa mga drivers.

Samantala, ayon kay naman Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, ang truck operators rin daw ay nakakaranas ng kakulangan sa drivers.

Yung ilan umano ay pinipirata ng ibang bansa na halos kumikita ng 200,000 kada buwan.