-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Lalarga na sa Hunyo 4, alas-9:00 ng umaga ang bus na mula sa Albay ay susundo sa mga kababayan sa Baclaran Church sa Parañaque, sa ilalim ng Bagong Pag-asa at Albay Libreng Sakay Program.
Upang hindi masayang ang biyahe, maaari na rin na sumabay maging ang mga papuntang Manila.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco, kailangan lang ng medical clearance mula sa rural health unit at travel pass sa PNP na isusumiti sa lalawigan upang makasama sa mga makakabiyahe.
dahil nasa Modified Community Qauarantine na, wala ng restriction sa edad ang pagbiyahe ayon kay Ongjoco.
Nabatid na mahigit sa 20 bus ang nakatakdang pumunta sa Metro Manila dahil nasa 500 rin ang mga ibabiyahe pabalik sa Albay.