Nakaligtas ang ilang pasahero ng mga bus ng inferno sa pamamagitan ng pagtakas sa bintana nito matapos itong nilamon ng apoy at bumangga sa Bulgaria na ikinamatay ng 46 na katao.
Pitong pasahero naman ang nakaligtas mula sa sasakyan na puno ng mga turista na karamihan mga Macedonian.
Bumangga ang bus sa isang barrier at nagliyab habang pabalik mula Istanbul sa Turkey patungong North Macedonia.
Labindalawang bata ang kabilang sa mga namatay, kabilang ang kambal na lalaki, apat na taong gulang.
Apat na lalaki at tatlong babae lamang ang nakaligtas sa sakuna, na nangyari sa isang motorway sa timog-kanluran ng kabisera ng Bulgaria, Sofia.
Ang nasabing aksidente ay nagdulot ng pagkabigla at kalungkutan sa Bulgaria at North Macedonia, kung saan idineklara ang tatlong araw ng pagluluksa.
Tinawag ni Macedonian Prime Minister Zoran Zaev na nakakakilabot ang nangyaring aksidente.
Sa ngayon hindi pa malinaw sa mga otoridad ang dahilan ng sakuna.