-- Advertisements --

Binigyan pagkilala ni dating US President George W. Bush ang mga war veterans at service members na lumaban sa mga Taliban sa Afghanistan.

Sa kaniyang talumpati kasabay ng 20 taong paggunita ng September 11, 2001 terror attacks sinabi nito na hindi kailanman madudungisan ang kabayanihan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Afghanistan.

Isinagawa ng dating pangulo ang pagkilala sa Flight 93 National Memorial sa Stoystown, Pennsylvania kung saan inalala ang nasa 3,000 katao sa apat na magkakahiwalay na terrorist attack.

Nanawagan din itong pagkakaisa sa bansang Afghanistan matapos na tanggalin na ng US ang kanilang sundalong nakatalaga doon.