-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni Bombo International News Correspondent Krystiel Marie Islao mula sa Russia na business as usual ang kasalukuyang sitwasyon sa naturang bansa.

Ito ay matapos dumating sa Russia si Syrian President Bashar al-Assad at ang kanyang pamilya kasunod ng pag-agaw sa kanyang pamumuno ng mga rebeldeng grupo.

Ayon sa kanya, walang kilos protesta o anumang kaganapan sa kanilang lugar.

Aniya, limitado pa rin ang impormasyong inilabas ng mga news agencies sa Russia.

Wala aniya silang natatanggap na babala mula sa embahada ng Pilipinas sa Russia hinggil sa usapin.

Ang Russia ay isang malapit na kaalyado ng Syria na nagbigay ng asylum kay Assad.

Nauna rito, naganap ang pagtakas matapos salakayin ni Hay’at Tahrir al-Sham (HTS) ang kanyang pamahalaan.