Target ng Department of Energy na magsagawa ng business-to-business matching event bukas Pebrero 22, 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Sec. Raphael Lotilla na ito ay bahagi pa rin ng kanilang mga ginawang hakbang upang isulong ang paggamit ng renewable energy sa bansa.
Sinabi pa ng kalihim na sa ilalim nito ay magagabayan at maaalalayan ng gobyerno ang mga foreign investor na makakuha ng mga local partners sa bansa.
Layon rin nito na masuportahan ang transition program sa sektor ng enerhiya.
Naniniwala ang opisyal na maganda ang ganitong uri ng pagkakataon upang maipamalas ang mga skills ng bawat negosyante partikular.
Kinakailangan kasi aniya ng kanilang expertise at technologies o business strengths.
Iginiit pa ng opisyal na ito ay nasa ilalim ng kanilang Philippine Energy Plan 2023 – 2050.
Dito ay target ng kanilang ahensya ang 35 porsyentong power generation share sa 2030 gamit ang renewable energy.