Hinikayat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na pautangin ang mga business owners ng micro, small at medium entrerprises (MSMEs) para sa makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Aniya, hindi masisisi ang mga establisyimento na napilitang magsara dulot ng pandemya na nahihirapan kung saan kukunin ang ibibigay na mandatory payout ng 13th month pay ng mga empleyado.
Ayon pa kay Concepcion kailangan na magbigay ng credit access ang gobyerno sa mga business establishments para sa pagbibigay ng 13th month pay.
Kaugnay nito, gumagawa na rin aniya ng paraan ang DTI upang matulungan ang mga business owners.
Tinutukoy ni Concepcion ang programa ng DTI sa pamamagitan ng financing arm nito na Small Business Corporation (SBCorp) para sa pagtatag ng isang lending facility upang maasistihan ang mga MSMEs sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.
Inihayag din ni Concepcion na kailangan ang pagsasailalim sa NCR sa alert level 2 sa kalagitnaan ng Nobyembre upang matulungan na makabangon ang ekonomiya sa huling quarter ng taon.