-- Advertisements --

Suportado ng business group na Management Association of the Philippines (MAP) ang pagbabawas ng araw ng mga fully vaccinated na travelers.

Ayon sa grupo na mahalaga na gawing limang araw na lamang imbes na 10 araw bilang bahagi ng muling pagpalakas ng industriya ng turismo.

Inihalimbawa naman ni MAP president Aurelio Montinola III ang ginagawa ng ibang bansa na pagluluwag ng international travel restrictions gaya ng pagbabawas ng quarantine periods at ang no quarantine sa mga fully vaccinated.

Isa kasi ang turismo na lubhang naapektuhan ng pandemya kaya nararapat na luwagan ang restrictions sa mga fully vaccinated na mga travellers.

May ilang airline companies kasi ang nagpanukala rin ng pagbawas ng quarantine periods ng mga fully vaccinated na individuals para makagalaw na rin ang ekonomiya.