CENTRAL MINDANAO-Pinalawig pa ng City Government ng Kidapawan ang Business One Stop Shop o BOSS mula February 2 hanggang 15, 2022.
Ito ay upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga business owners and operators, at tricycle franchises na iproseso ang application at renewal ng kanilang mga papeles para makapag-operate ng negosyo at public conveyances ngayong taong 2022, ayon pa kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.
Dahil na rin sa patuloy pa ng pagdagsa ng mga negosyante sa BOSS, napagdesisyunan ng City Government na pagbigyan ang mga ito na makapag-proseso ng lisensya, ayon pa sa alkalde .
Dagdag rito ang patuloy na banta ng COVID-19 kaya’t hindi kaagad-agad makapag-renew ng mga business permits and licenses ang mga negosyante at prangkisa ng mga nagmamay-ari at nagmamaneho ng tricycle, ayon naman kay City Treasurer Redentor Real.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Evangelista at ng CTO ang mga business owners at tricycle operators na samantalahin ang pinalawig na BOSS sa Mega Tent ng City Hall dahil naroon na lahat ang kalakip na mga proseso pati na ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na mangangasiwa para makakuha ng lisensya.
Bukas ang BOSS sa February 2-15, 2022 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa araw ng Lunes hanggang Biyernes maliban na lamang sa araw ng Sabado at Linggo at holidays kung saan hindi magbubukas ang BOSS.