-- Advertisements --

Nakatakdang isalang ngayong araw sa inquest proceedings si Sheila Guo at Cassandra Ong matapos ang matagumpay na pagpapabalik nito sa bansa kagabi.

Si Sheila Guo ay kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo habang si Cassandra Li Ong ay sinasabing business partner ng dating alkalde.

Ang dalawa ay parehong incorporator ng POGO Hub sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga otoridad kamakailan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng National Bureau of Investigation si Guo at Ong habang dumatin na rin kanina ang kani-kanilang mga legal counsel.

Batay sa impormasyon, maaaring gagawin sa NBI o DOJ ang inquest proceeding sa dalawa.