(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Posibleng umanong nalalayo sa politika ang isyu sa halip maari raw sa bangayan ukol sa quarry business competition ang dahilan kung bakit brutal na pinaslang ng hindi kilalang mga salarin ang anak ni mayoralty candidate at Cagayan de Oro 1st District Rep. Rolando “Klarex” Uy sa Sitio Camarabahan, Barangay Pagapat sa lungsod.
Ito ay batay sa hawak na inisyal na mga impormasyon ng pulisya na nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa sinapit ng biktima na si Carmen Brgy Kagawad Roland Sherwin “Tawee” Uy, 45, may asawa at ang dinamay pa ang caretake ng quarry site na si Samuel Talaban na mga residente sa lungsod nitong nakalipas na Huwebes.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Cagayan de Oro City Police Office deputy director for operations Col. Surki Sereñas na maliban sa mahigpit na rival ng quarry operation, nasisilip rin ang usaping ukol sa koleksyon ng kinikita, personal na pagbabanta ng buhay at pangingikil dahilan na humantong sa madugo na pangyayari.
Sinabi ni Sereñas na ito ang dahilan kaya lumalayo na ang anggulo ng politika na una nila na kinokonsidera sapagkat anak ng politikong pamilya ang biktima kung saan na maliban na kongresista ang kanyang ama ay bise-mayor din ang isa pa niyang kapatid at punong barangay ang ina nila.
Sa ngayon, nasa pribadong punerarya na nakaburol ang mga labi ng mga biktima habang tiniyak ng pulisya na hindi ititigil ang pagtugis ng mga salarin.
Magugunitang nagtamo ng anim na tama ng bala ang biktima kung saan pinakamatindi nasa kanyang mata dahil malipatan ang pagbaril ng mga motorcycle in tandem suspects.