-- Advertisements --
Iloilo City – Kinakampanya ng business sector sa Iloilo City ang “No Vaccine, No Entry Policy.”
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Terence Uygongco, Vice – Chairman ng Iloilo Business Club, sinabi nito na mas makakabuti kung hindi na muna papayagang makalabas sa kanilang bahay ang unvaccinated na mga residente.
Ayon kay Uygongco, sa ngayon, hinihintay na lang nila na maipasa ang ordinance na nag-re-restrict sa mga unvaccinated na indibidwal.
Ngunit kung hindi naman maipasa, sinabi nito na nakadepende na lang sa isang business establishment kung paano masigurado ang safety ng kanilang empleyado, gayundin ang kanilang customers.