Pinalawig pa ng Quezon City Treasurer’s Office hanggang Abril 30 ang deadline ng pagbabayad ng business tax sa lungsod.
Kung maaalala, itinakda ng ang huling araw ng pagbabayad para sa una at ikalawang quarter na mga business dues ay dati nang itinakda noong Enero 20 at Abril 20.
Ayon kay City Treasurer’s Office head Edgar Villanueva., matapos ang kanilang isinagawang pagsusuri sa bilang ng mga registrations, renewals, at payments at matapos rin ang mga nakuha nilang feedback sa mga may-ari ng negosyo ng QCitizen, kaagad silang nakipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Department at ibang opisina upang makakuha ng extension sa payment deadline.
Paliwanag pa ng opisyal , mahalaga ang patunay ng pagbabayad ng kaukulang business taxes bilang isang requirement sa mga negosyong nagnanais na mag-renew ng kanilang mga permit.
Pinaalalahanan ng City Treasurer’s Office ang mga may-ari ng negosyo na ang pag-renew ng permit, at pagbabayad ng kanilang business taxes, fees, at iba pang singil ay maaaring bayaran online sa pamamagitan ng Quezon City E-Services website, bukod sa personal na pumunta sa city hall.